Quantcast
Channel: .
Viewing all articles
Browse latest Browse all 78

Team Player

$
0
0

Hi Peepz! Kamusta kayo! Si tonto cute parin. Petiks mde lang nasa bahay at 3 days ang rd ko. Kaya eto kwekentuhan ko na naman kayo, medyo random nga lang.. at babala: mejo hindi masaya ito.

  As you may know medyo malungkot si tonto kaya naghahanap siya ng pwedeng kumalinga sa kanya,hahaha Sino gusto?haha. Kasi yung team ko sa office nadissolved. Nagtataka kami kung bakit, every week, we received a lot of commendations from clients.Sa pagtutulungan namin, isa kami sa magaling. Actually 2 teams ang nadissolved, yung isa katulad din namin, magagaling sila. Ang teams na hindi nadissolved eh yung mga panget ang face at hindi magagaling (bitter si tonto).

  Hindi maexplain ng tl ko ang mga reasons, ang sabi niya naghahanap pa siya ngmagagandang words para ipaliwanag. Basta magaling daw kami kaya kailngan idistribute kami sa mga kulelat na teams. Para na kaming family. Pag makakasama kami, puro tawanan at inuman. Tinanong ko ang kabilang team na nadissolved, yun din ang alam nila,kasi magaling sila. May issue pa na kaya daw kami nadissolved dahil kulang kami, putangina sabi ko,eh ang daming new hires bakit hindi niyo kami binigyan. Kakaasar lang, nagiging seryoso si Tonto pag ganito.

  So nasa new team na ako, pero di ko sila feel kaya nagchange ako ng shift at sumama sa isa pang team na kaclose ko at nageenjoy ako dahil puro sila katulad ko, palamura, tawa ng tawa at masayang kasama.walang KJ.

   Last Friday pumasok ako ng 1pm, I checked the attendance sheet ng bagong tl ko, at nagulat ako na nimarked niya na absent ako ng wed and awol for thursday. Kumulo ang dugo ko, hinahanap ko ang putang inang tl, pero lunch break.

  Nang nakita ko na bumalik na siya, sinugod ko siya.

Tonto: "SIR! bakit mo ko nilagyan ng absent yesterday, eh wed-thurs and RD ko, and bakit ako AWOL ngayon eh, 1pm ang shift ko!"

TL: ay sorry, hindi ko kasi alam ang sked mo.

Tonto: Sir, I informed you last sunday about my sked, And you said yes, I also made a notations sa sheet mo, at nag email pa ko sa iyo!

TL: Sige buburahin ko na, pasenxa na huh, alam mo namang busy ako, puro supcall.

Tonto OK! (puta kasi yang team mo, mga tanga puro supcall, at puro warning sa admin, ang papanget pa ng mukha, kadiri,mukhang kabayo,mukhang tae.bullshit, sabay walkout)

  Maya-maya after that conversation, pinatawag ako ng bagong tl,

Tonto: Yes sir, may i know your concern?

Tl: ah, gusto ko lang i discuss sayo ang grade mo, for this month, so far pasado, binagsak lang kita as a team player kasi bago ka pa sa team at di pa tayo nagkakasama ng matagal.

Tonto: (eh putang ina mo ka, eh galing nga ako sa ibang team eh, siyempre di mo ko kaclose, sana kahit pasang awa diba, kayosihan naman kita sa labas?) Ah ok sir I understand (gago!)

TL: over all pasado ang kpi mo this month.

Tonto: ok thank you!

 Mainit ang ulo ko ng araw na iyon, Nawala lang nang nakita ko at kinausap ako ng crush ko, kinilig ako to the max.ayiieee, hanggang dun lang yun. Sa bwisit ko sa bagong team ko, hindi na ako lumapit sa kanila hanggang kanina. Nagenjoy ako sa ibang team na kasama ko, tinanggap nila ko na parang kateam nila,

Kagabi, habang nageemail ako sa mga business zone, katabi ko ang tomboy na si rosalia, mataba siya pero malandi ang boses pag me kausap sa fone. Habang me mga kausap siyang client, biglang tumugtog ang kantan "the man who cant be moved. "ay puta, me puta,ringtone ko, hindi ko nasilent ang fon ko" pagkacheck ko, ay hindi sakin, ke rosalia pa, puta yun din ang tone niya.

  Pagkatapos ng call ni rosalia, chineck niya ang cp niya. "Ay nanay ko tumatawag, emergency ito,tangina, di ako makapgtext, nabagsak ang cp ko kanina, di siya mapindot."

tonto: anu ba ang cp mo (biglang tingin sa cp niya, cherry mobile na malaki) ah, wala bang warranty yan.

rosalia: di ko alam, mura lang naman ito hahaha putang ina, patext nga ako,importante kasi ito.

tonto: sige eto.

mamaya maya me reply ang nanay ni rosalia, binasa ko. "wala anak nangangamusta lang ako" binasa ko din ang text ni rosala "nay,bakit ka col,nasa work ako".


tonto: oi puta, eto oh,nagtext na nanay mo, nangangamusta lang daw,hahaha

rosalia: ay puta pera yan, manghihingi yan (walang keme si rosalia na derechang sabihin nanaghihingi ang nanay niya ng pera, thas y i love her.) patext uli!

at binasa ko ang text ni rosalia, "senxa na nay di ako nakauwi, alam ko na yan, next sahod nalang"

 rosalia: salamat tonto, alam ko pang mahjong lang ni tatay yun. wag mo na replyan kapag nagtext ulit.

Kanina ang huling araw ko sa team nila rosalia, mamismiss ko sila.. ayun share ko lang, nilabas ko lang ang asar ko, maluwag na ang baga ko...at ayaw ko pa silang makita ngayon,nagtext ako s tl ko na me sakit ako,hahaha till next time.


 I love you all!





Viewing all articles
Browse latest Browse all 78