Quantcast
Channel: .
Viewing all articles
Browse latest Browse all 78

Ang PNR

$
0
0


   Hi Peepz! Kamusta? Si Tonto eto mabutite, medyo busy nga lang talaga, kaasar na buhay pero life must go on.

  Kamakailan lang may mga kausap akong friends sa pabrika ng cotton buds na pinatatrabahuhan ko. Nabanggit nila sa akin ang pagsakay nila sa PNR ang tren na naglalakbay mula Tutuban hanggang tikol este Bicol and vice versa. At meron din hanggang Alabang lang. Makakamura daw ako ng pamasahe, 10 piso lang Tutuban to Makati.

  Nagningning ang mata ko dahil sa matitipid ko sa pamasahe. "pero tonto, tiisin mo lang ang mga katabi mo huh, mabagsik ang mga amoy ng hinayupak".

  Hindi na naman bago sa akin ang pagsakay ng PNR, nasubukan ko na ito noong college ako, from Laguna to Manila. Kaya lang noong panahong iyon, bulok ang mga tren, pag sumakay ka para kang nakaupong kinakangkang, kahit hindi mo gusto ay pwersahang kang lumulundag ng nakaupo. Pagbyumahe ka ng papuntang South, siguraduhin mong pag nasa Alabang ka na ay isara mo na ang bintana, dahil pag dating ng Muntinlupa,may nambabato na ng ihi minsan tae.

  Nagyon,kahit may mga bago ng silang tren, may mga luma pa rin. Isang hapon, galing akong Don Bosco Makati, tinatamad akong mag ilang sakay ng jeep-lrt-jeep pauwi ng bahay, Sinubukan ko ang sumakay ng PNR. Pagkadating ko nang Istasyon, lumapit ako sa bilihanng ticket.

Girl: Saan?

Tonto: Tutuban.

Girl: Otso

Tonto: Hindi Ten?

Girl: Ordinary hindi Aircon.

Tonto: Ahhh. sabay abot ng otso. (puta, parang patayan ito ah.)

Pagpunta ko ng platform, kasabay ko ang mga construction worker. "Naku potanesh, kailangan ko yatang yakapin ang bag ko." Pagkadating ng tren, agawan sa pagpasok ang lahat. Siyempre si Tonto ay laking Tondo din naman kaya dapat walang arte at kyeme, kaya nakipagsiksikan ako.

Ang tindi ng amoy sa loob, pamatay pero understandable.Sa sobrang daming sumasakay, grabe ang siksikan. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa sigawan ng mga tao.

 Girl: "may babae dito wag niyo naman kaming siksikin oh"
 Manong: " Buti ka nga babae lang, eh ako pisak na itlog ko!"

Boy: (nakakita ng matandang nakaheadphone) "hanep si lolo, nagsosoundtrip,hindi bingi yan ah!"

Boy2: (kausap si boy 3) " sana bukas ang maabutan natin na tren yung aircon"
Boy3: "namimili ka pa eh pareho lang naman tayong hindi nagbayad!"

 Nang dumating na sa Buendia(Gil Puyat Station)...

Boy4: Oh ihanda na ang depensa, harangan na ang pinto,para walang makapasok, o opensa, sa likod kayo ng depensa tagatulak!

 Kung ikukumpara ko ang pagsakay ng tren noon sa ngayon, mas smooth na ang byahe, hindi na maalog,mas mabilis, me mga tren na aircon. pero affordable paren katulad ng dati. Titiisinmo lang ang amoy ng katabi mo.

                            Nakababa ako ng tren safe and sound walang nawala,pero nangati.




Masasabi kong ok sumakay lalo na sa panahon ng tag-gipit, titiisin mo nga lang ang sakit.
eto ang ordinary train ng PNR, hindi ko nakuhaan yung aircon tren.




 Hanggang sa muli. Mahal ko kayo. Mwah


Viewing all articles
Browse latest Browse all 78