Quantcast
Channel: .
Viewing all articles
Browse latest Browse all 78

Makakalimutin

$
0
0

  Hi Peepz! Maulan at malamig, masarap makipagniig.. rhyme lang. Kamusta na kayo? Ako pogi parin. Lately nagiging makakalimutin ako. Eto ang bagay na ayaw ko mangyari sakin dahil asar ako ugaling makakalimutin hindi ko alam na magiging makakalimutin din pala ako. Kaya ngayon bawat ginagawa ko o plano ay isinusulat ko na. It helps you know! At least nakikita ko pa ang mga bagay na ginawa ko.

  Nagsimula eto nang naging busy ako sa work. Nagmamadali ako madalas dahil sa pagiging late o kaya dahil sa pagod, nakakalimutan ko ang ibang bagay.

  Me mga panahon na nakakalimutan ko nang kumain, pagkauwi ko di ko namamalayan na nakatulog na pala ako at magigising na sobrang gutom. Kaya kahit madaling araw ay gigising ako para bumili ng hamburger sa Minute Burger.

  Minsan naman bigla akong mapapahiga ng di man lang nagpapalit ng damit, magigising ako na nakapantalon at naka polo pa. Minsan pa nagising ako ng nakasapatos. Nahihirapan na ako sa kalagayan ko Tiya Dely, kailangan ko na atang maghire ng yaya, pero gusto ko yung naka nude habang pinagsisilbihan ako.

  Last Christmas, umuwi ako sa Laguna at 6 days akong hindi umuwi sa munti kong bahay sa Manila. Pag balik ko after ng Christmas, nakita kong bukas ang aking electric fan. My gosh, 6 days siyang bukas. Hinawakan ko siya at di pa naman siya mainit kaya keri lang pero pinatay ko siya. Pagka patay ko dun palang siya uminit. Kaya pinagpahinga ko muna siya ng 3 hrs.

  Pagkatapos ng ilang araw, may nangyari na naman. Naiwan kong nakasaksak ang aking laptop at mainit siya. Medyo mild lang naman ito pero hindi parin tama.

  Ang nakakatakot ay nangyari lang last week. nagmamadali akong umalis ng bahay ng umaga dahil malalate ako sa work. Kaya di ko napansin kung me naiwan ba akong nakasaksak.

 Pumasok na ko sa work at nag OT pa ako ng 1hour. Pagkauwi ko galing work umakyat ako sa aking 2nd floor at magpapahinga bago kumain. nang isaksaksak ko ang electric fan, nakita ko na nakasaksak ang kulay puting wire.... Ang wire ng plantsa.

  Lumaki ang mga mata ko at dalian tinanggal ang saksak ng plantsa. Hinawakan ko ang plantsa at ang init niya sobra. Sabagay mainit naman talaga ang plantsa.

  My gosh Tiya Dely huwag mo kong tawaging tanga alam kong salbahe kang magbigay ng payo hindi katulad ni Ate Charo.. Pero nahihirapan na ako sa aking sitwasyon. Ano pa ba ang ibang paraan bukod sa pagsusulat sa planner, kailangan ko na ba ng memo plus gold. Sana ay matulungan niyo ako, ay sorry, deads na pala kayo.

  Sa susunod magiingat na talaga ako. Baka ang maiwan ko naman bukas sa susunod eh bahay ko na mismo, mawala lahat nang gamit ko, tonto na talaga ako......

Viewing all articles
Browse latest Browse all 78