Part 2 ng kadramahan ko
Last sunday night, lasing ako. Sobrang lungkot ko. Ang dami daming pumasok sa isip ko hanggang sa ang sarili kong isip ang bumuo ng hinahanap kong nawawalang piraso ng puzzle. Kaya madaling araw, nag impake ako at umalis, sinabi ko sa sarili ko na maglalakad ako dala ang mga gamit ko kahit saan abutin basta lumipas lang ang oras na nasa labas ako. Inisip kong maglakad mula Laguna hanggang Maynila. Since nasubukan ko nang maglakad Laguna to Alabang. Habang naglalakad ako, napadaan ako sa isang bahay ng kaibigan. "Hi Mark! joysride tayo, La Union, balik din tayo bukas, test ko lang ang makina ng kotse." napangiti ako at sinabi "San ko lalagay ang mga gamit ko?"
Kagabi nagpahatid ako dito sa Manila. Pagkauwi ko ng bahay, nakita kong may mountain bike sa harap ng pinto. Agad kong tinanong kung sino ang may-ari ng bike Sabi sa akin, sa barangay daw pero pwede kong gamitin kaya agad akong nagpalit ng damit at nagbike. Simula bata ako, pag nagbibike ako, gumagaan ang pakiramdam ko. Kanina hinayaan ko lang pumidal ang paa ko kung saan man ako dalhin.
Nakarating ako sa Caloocan. Sa isang lugar na pamilyar ako, isang tindahan.
Mark: toktok, pwede bang makisindi ng yosi.
Tindero: (Napalaki ang mata at napatakip ng bibig) ayyyyyyy!!!
Siya ang ex ko na crossdresser. Joke lang, effeminate siya. My second ex. Nakilala ko nung estudyante pa ng college kami. magkalapit ang school namin. Sabay kaming umuuwi at sasakay ng lrt, hahatid ko siya sa bahay niya. Tanggap ako ng magulang niya at mga maton niyang kuya. Madalas kainuman ko pa. Isang araw nangyari ang di ko inaasahan at naghiwalay na kami. After that nagkikita naman kami lalo na kapag malungkot ako, kapag kailangan ko ng kausap handa siyang makinig.
Ex: Kamusta ka na, buti alam mo pa tong lugar.
Mark: OO naman, may utak naman ako, tanda ko ang madalas kong puntahan na lugar noon.
Ex: Pagod na ko, galing ako sa work tapos pag uwi bantay sa tindahan. Double job.
Mark: Wow galing yayaman ka jan.
Ex: Mas mayaman ka. Bakit ka nabisita? Babalikan mo na ba ko?
Mark: Hahahaha, napadaan lang ako, alam mo naman pag may bike kung saan saan ako pumupunta. Nagkataon lang na nauuhaw ako, painom nga, gusto ko yung coke.
Ex: tsaka yosi? haha. Ayaw mo bang makipagbalikan? Single ako. Kailangan ko ng inspirasyon.
Mark: Hahahahahahaha ang tagal na din noh? Ilang taon na nung naghiwalay tayo?
Ex: (mabilis na sinabi) Seven. Alam mo pa ba ang dahilan kung bakit tayo naghiwalay?
Mark: Hindi, hindi ko na tanda o di ko na gustong alamin.
Ex: ako tanda ko pa. dahil isang araw, susunduin mo ako sa school sabi ko may pupuntahan pa ko, pero nakipagdate ako sa iba at nahuli mo. Pero di naman ako malandi, may bibilhin lang ako nun at nagkataong nagtxt siya. Ang mali ko ay nagsinungaling ako sayo.
Mark: hahahaha, oo nga pala. nakalimutan ko na ang lahat. Past is Past.
Ex: So babalikan mo ako, gusto kong may karamay, may nasasabihan ng problema.
Mark: hahaha mature na tayo. Ilan taon na din, andito lang naman ako, pwede mong sabihan ng problema pag wala kang makausap.
Ex: anong number mo?
Mark: Huwag mo nang kunin ang number ko, dadaan naman ako minsan pag nagbibike ako. Aalis na ko. Magbibike pa ako, dinadama ko ang kalayaan ko.
Ex: Sige ingat. Balik ka dito huh.
Kapag wala akong karelasyon, o libre akong mag bike dito sa Manila. Dumadaan ako sa kanila, konting kwentuhan at madalas tawanan. Naiisip namin ang mga plano namin noon na hindi na matutuloy. Alam niya na malayo na kaming magkabalikan. Ibang iba na ang sitwasyon ngayon hindi katulad noong bata pa kami, malaya at mas konti ang problema.
Ex: Ingat ka sa paguwi %^&*(!
Mark: Mark ang pangalan ko. yan ang itawag mo sakin.
Ex: Nakilala kita sa pangalan na %^&*(, siyempre doon kita tatawagin,
Mark: byebye!
Nagpatuloy ako sa pagbababike ng maluwag ang loob. Nakangiti, kung saan saan nakapunta.
Susundin ko ang payo ng isang kaibigan. Magpapaka layo-layo muna ko. Siguro after 2 more blog post, Hiatus muna ko.
Gusto ko kasi kapag handa na kong magbisikleta sa daan ng realidad, handang handa, walang galit, matapang at buo akong magpapaandar, kasama ulit ang isang tao na hindi ko makonsiderang "ex" sa iisang daan.
Image may be NSFW.
Clik here to view.![post signature]()

Clik here to view.