Hindi na iba sakin ang mga bisyo, siguro sasabihin ng ilan, isa akong pariwara nung medyo kabataan ko. Hindi ko naman ginusto at aksidente akong nakahitit ng sigarilyo, pinuwersa na sumama sa mga tropang mahilig magpunta sa gigs, at mga practice magcombo. Gagabihin kasama ng mga skater, pumunta sa mga inuman ng barkada ng barkada ko, uminom, maglasing, maglagay ng valium sa redhorse, magdoobie (marijuana), kumantot (sila yun ako nanunuod lang hehe), umuwi ng madaling araw, naghihintay si mama, sabay mumurahin ako.
Remembering this, natatawa na lang ako. Ang sarap bumalik sa dati.
"PUTANG INA MO! B.I. ang mga tropa mo. Wala kang mapapala dyan sa pagcocombo. Hindi ka sasali diyan sa banda ng mga kaibigan mo." Isang umaga nang nahuli ako ni mama na umaakyat ng gate, lasing.
Hindi naman bago sakin ang pag-inom. Kahit kasi noong bata pa kami, si Papa magbubukas ng champagne at isasalin sa mga kupita at bibigyan kami ng tigi-iisa. Kahit beer pa, ok lang na tikman lalo na kapag may party sa pamilya. Ang bawal lang ay ang magyosi. "Hindi kayo pwedeng magyosi habang hindi pa kayo nakakapagtrabaho" sabi ni Papa. Pero sorry, natikman ko na ito ng buong stick noong first year high school ako. Noong third year naman doon ko na siya natutunan.
"Bry astig ka pag nagyoyosi ka"... "bry, wag mong hitit buga, hititin mo, ipadama mo sa baga mo ang usok"... At nang natuto na kong uminom ng gin at emperador (wala pang empi lights at grand matador nun) "bry, lasing ka na ba, magyosi ka nang mawala ang amats mo".
Sa pagtamabay ko sa skate park, may gawain sila madalas. Habang ang ibang bata ay nagsskate board, may iba naman nakatago sa mga halos talahib at sumisinghot. Noong naging talamak na pagiging lasenggero ko at pagyoyosi, sinabi ko sa sarili ko na hanggang dito lang ang bisyo ko. Noong dumating ang araw na inaya na ako na magpunta sa may talahiban, nasira ko ang pangako sa sarili ko. Nakita ko ang lalaking halos nakapikit na, gumagawa siya ng pipa gamit ang foil ng sigarilyo.
Tinanong ko kung ano iyon, sambit sakin, "edi marijuana!" nilagyan nila ng damo ang dulo ng pipa at saka sinindihan at hinitit. "bry try mo". Since nacurious ako ko, kinuha ko ang pipa at ginaya ang istilo nila. "takpan mo ang butas habang hinihithit para magbaga" ako naman si hithit. Mayamaya na ay nararamdaman ko ang pagkatuyot ng aking lalamunan. Mas matindi ito sa sigarilyo, doobie ang tawag nila dito. Tumayo ako para pumunta sa tindahan, pero nakadama ako ng konting hilo. mukhang malakas ang tama ng damong yun alam ko pwede akong sumuray suray habang naglalakad pero bilang isang matipuno, kailangang hindi nila makita na hindi ko kaya iyon.
Iba-iba pala ang tama ng doobie, minsan tawa kami ng tawa, minsan gutom na gutom. Minsan lumalapit ang langit, minsan may malalaking langaw na lalapit sa iyo kakainin ka.hahahahaha. Isang gabi pa nga may sumisigaw sa labas ng bahay namin, pagsilip ko ay mga tropang skater.. "Oh anong meron tangina niyo" sabi ko. "bry, si puti nakahandusay dun sa gitna ng daan, yung tinira kasi niya made in Japan" hahaha. ang naisagot ko lang ay "wow penge naman!".
May sitwasyon pa, si toper, ang kalikod bahay na tropa ko, nakita kong nasa taas ng bubong nila, pumipitas ng dahon ng papaya. pagkababa ay nirolyo nya ang dahon at sinindihan. Ayun, nagsuka at bumaliktad ang tyan.
Nung college na ko, tuloy parin naman ang pagtambay ko sa skate park, pero isang araw galing sa school, dumirecho ko sa skate park, nakita ko ang kapatid ko sa may duyan, natutulog. Tinanong ko ang tropa "bakit natutulog yan?" ang sagot lang nila "eh nagdoobie". wala akong ibang nasabi kundi "pass muna ko". Nilapitan ko kapatid ko at ginising at tinanong, "oh anong nararamdaman mo" nginitian lang sabi, "wag mong sabihin ke mama ah" hahahaha natawa na lang ako pero sa loob loob ko "tanga, wala yan sa dami ng tinitira ko"
Kahit sa Mapua, di rin ako nakaligtas madalas doobie ako ng doobie. Ikaw ba naman masama sa grupo ng nagbabanda ulit, biglang may bubulong "bry tsongki tayo"
Naimbitahan ako na sumama sa swimming ng mga tropa. Habang nagkakasiyahan ang lahat, ako lasing, pero may isa sa kanila ang nasa isang sulok, naggugupit ng aluminum foil. Nilapitan ko.
-"o, para san yan?"
"eto ang tamang pagtupi ng foil, dito ilalagay ang mga bato, tapos matutunaw, itatapat mo ang ilong mo"
-"ahhh, bakit nagshashabu ka ba"
"na try ko lang, pinatry sakin ng mama at papa ko, ayaw ko nang ulitin, magdamag akong umiiyak kahit gusto nang matulog kung anu-ano ang naiisip ko"
-"hahahaha" kasabay ng pagtawa ko, nakita ko sa mukha niya ang lungkot
"madalas absent ako sa school dati diba"
-"hindi kita napapansin, dead kid ka noon"
"ah iba kasi mga tropa mo noon eh, dati madalas isasama ko ni mama sa hotel, dun ako matutulog magisa habang siya may mga ka deal, mga buyer niya"
sinabi ko sa sarili ko nung oras na iyon, hindi ko papabayaan ang batang ito, isasama ko siya sa isa kong tropahan na mababait... at aariin kong anak ko. At hindi ko na sasabihin na ayaw kong subukang magshabu baka kasi mabali ko ng naman ang pangako ko sa sarili.
Sobrang depressed ko, wala akong malapitan, ayaw kong magtsongkie wala iyon sa sirkulasyon ko noong panahon yun, ang gawain ko lang, magtrabaho, umuwi, kumain ng konti at matulog. Isang beses nagpunta ako sa isang bar sa Metro. Pakay ko lang naman ay uminom. Pero madaming tao lalo na sa dance floor. Nakakita ako ng pamilyar na mukha. Inaya akong sumayaw habang umiinom. Sabay kumuha ng mga tableta sa bulsa niya binigyan ako ng isa, lunukin ko daw at sabay inom. Hindi ko alam kung anong tablet yun. Hindi naman siya valium dahil iba itsura ng valium. Sinunod ko na lang siya. Tapos ng ilang minuto, nawala na siya sa harapan ko, di ko na makita ang kaibigan kong iyon. At di ko na din alam ang nangyari. Gumising ako sa isang bahay ng kaibigan ko. Sabi nila, nakita daw nila ako dun at sinama ako pauwi dahil wala na daw ako sa sariili... Ayaw ko nang maulit yun.
Kapag biglang dumadampi sa isip ko ang maliliit na mga ala-alang ito, napapatawa ko. Ayaw kong isipin na gago pala talaga ako. Ilang kasi ito sa mga karanasan na nangyari kasama ang aking mga kaibigan. Tama man o mali, nung puntong ginawa ko iyon, ang naramdaman ko ay saya... dahil kasama ko sila.
Walang proofread proofread ito ah, inaantok na ko, kung me typo, puki ng ina ninyo bow.
![post signature]()